Saan Nagmula Ang Ang Pilosopo

Saan nagmula ang ANG PILOSOPO

Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang ibat ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.

Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philia" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kayat ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong. Sa modernong panahon,ang mga kaguruan ang nagsisilbing modernong pilosopo na may kaparehas na layunin na magturo sa mga nais matuto.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pag-Ibig

Paagaral Sa Katangiang Pisikal Na Mundo.,